50 bahay nasunog sa Patikul, Sulu

ABS-CBN News , Hernel Tocmo

Published February 22, 2024 04:12 PM | Updated February 22, 2024 04:32 PM

Sumiklab ang malaking sunog sa Lubbak, Brgy. Anuling sa Patikul, Sulu Miyerkoles ng hapon, Pebrero 21.

Nag-alsa balutan ang mga residente nang makita ang malaking apoy na tumupok sa kabahayan doon.

Ayon sa Patikul Fire Station, aabot sa limampung bahay na yari sa light materials ang nasunog.

Naabo din ang ilang motorsiklo at iba pang ari-arian na sa kabuuan ay tinatayang aabot sa P3.7 milyon ang halaga ng pinsala.

Nakatakdang bigyan ng ayuda ng lokal na pamahalaan ang mga apektadong residente, habang patuloy na iniimbestigahan naman ng mga bumbero ang sanhi ng sunog.

SOURCE: https://news.abs-cbn.com/news/2024/2/22/50-bahay-nasunog-sa-patikul-sulu-1605

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com