Personal tools
You are here: Home TYPHOON UPDATES Thunderstorms inaasahan sa Metro Manila ngayong Biyernes
TYPHOON FACTS

ty

Thunderstorms inaasahan sa Metro Manila ngayong Biyernes

MAYNILA - Malaki ang tiyansang ulanin pa rin ang kalakhang Maynila sa hapon o gabi ng Biyernes, ayon sa PAGASA. Bunsod ito ng localized thunderstorms na posibleng magdulot ng flashfloods o landslides dahil sa mahina o katamtaman na minsan ay malakas na pagbuhos ng ulan.

MAYNILA - Malaki ang tiyansang ulanin pa rin ang kalakhang Maynila sa hapon o gabi ng Biyernes, ayon sa PAGASA.

 

Bunsod ito ng localized thunderstorms na posibleng magdulot ng flashfloods o landslides dahil sa mahina o katamtaman na minsan ay malakas na pagbuhos ng ulan.

 

Bagama't walang low pressure area na namataan sa Philippine Area of Responsibility, ang hanging habagat naman o ang southwest monsoon ang nakaaapekto sa kanlurang bahagi ng hilaga at gitnang Luzon.

 

"Sa Luzon, asahang makararanas ng mahina sa katamtamang pag-ulan sa Ilocos Region, Palawan at Zambales at Bataan dahil sa hanging habagat," ani weather specialist Samuel Duran.

 

Tulad ng sa Metro Manila, ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas din mainit at maalinsangang panahon na may mataas na tyansa ng thunderstorms sa hapon o gabi.

 

Samantala, wala namang nakataas na gale warning sa anumang parte ng bansa.

 

Nitong Huwebes, binaha ang ilang kalsada sa Metro Manila matapos na bumuhos ang malakas na ulan habang papauwi ang maraming manggagawa sa kani-kanilang mga bahay.

 

Sources:ABS-CBN NEWS

Document Actions
  • Powered by Digital Information Systems and Technologies