Personal tools
You are here: Home MERS-CoV-UPDATES 2 foreigner na kasakay sa flight ng Pinay MERS-CoV patient, wala sa Palawan - DOH
MERS-CoV

Mers

2 foreigner na kasakay sa flight ng Pinay MERS-CoV patient, wala sa Palawan - DOH

03:57 PM 02/16/2015 Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) Regional Office MIMAROPA na nasa isang island resort ngayon sa Palawan ang dalawang banyagang kasakay sa eroplano ng Pinay nurse na nagpositibo sa Middle East Respiratory-Corona Virus (MERS-CoV)

  • Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) Regional Office MIMAROPA na nasa isang island resort ngayon sa Palawan ang dalawang banyagang kasakay sa eroplano ng Pinay nurse na nagpositibo sa Middle East Respiratory-Corona Virus (MERS-CoV)

    Ayon kay Dir. Eduardo Janairo ng DOH MIMAROPA, bagamat kumpirmado sa flight manifest ng airline na may dalawang foreigner na kasama ng Pinay MERS-CoV patient, hindi naman tiyak kung natuloy sila sa Palawan o kung positibo sila sa sakit.

    Una nang napabalitang nagpunta sa ekslusibong island resort sa lalawigan ang dalawang banyaga.

    Nakausap ng DOH ang kinatawan ng Dos Palmas at Amanpulo na mga exclusive island resorts sa Palawan subalit walang foreigner na nagmula sa nasabing flight. 

    Gayunman, inabisuhan aniya ang lahat ng resort sa rehiyon na sakaling may guest na makararanas ng lagnat at sintomas ng MERS-CoV ay dapat ipagbigay alam sa DOH. 

    Kapag sa loob ng 19 na araw, naging asymptomatic o walang nakitang sintomas sa sinumang mula sa kasabay ng Pinay, malaki ang posibilidad na ikonsidera silang negatibo sa virus. 

    Dahil dito, ititigil na ang contact tracing sa mga kasama sa eroplano ng Pinay nurse sa Pebrero 21 subalit patuloy silang imo-monitor.  Report from Zhander Cayabyab, Radyo Patrol

     
  • Source:http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region/2_foreigner_na_kasakay_sa_flight_ng_Pinay_MERS-CoV_patient%2C_wala_sa_Palawan_-_DOH.html


Document Actions
  • Powered by Digital Information Systems and Technologies