Personal tools
You are here: Home MERS-CoV-UPDATES 11 nakasalamuha ng Pinay nurse, nakitaan ng sintomas ng MERS-CoV
MERS-CoV

Mers

11 nakasalamuha ng Pinay nurse, nakitaan ng sintomas ng MERS-CoV

February 14,2015 12:15PM Labing-isang nakasalamuha ng Pinay nurse mula Saudi Arabia ang inoobserbahan ngayon kung tinamaan ng Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV).

Labing-isang nakasalamuha ng Pinay nurse mula Saudi Arabia ang inoobserbahan ngayon kung tinamaan ng Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV).

Ayon kay Health acting Secretary Janette Garin, mula ang 11 sa 56 'close contacts' ng nurse na natukoy ng kagawaran. Isinailalim ang mga ito sa mga pagsusuri. 

Ang close contacts ay bukod pa sa higit 200 nakasama ng nurse sa Saudia flight 860. Binubuo ito ng mga kaanak at personnel sa Evangelista Medical Specialty Center sa San Pedro, Laguna kung saan unang isinugod ang nurse.

Nagnegatibo sa unang test ang 56 close contacts pero nagpakita ng sintomas ang 11 at batay sa direktiba ng World Health Organization, paliwanag ni Garin, kailangan silang muling kunan ng ibang samples para makumpirmang wala itong MERS-CoV.

"For a patient to be declared as negative, kung hindi siya nagpositibo, kailangan ang dalawa hanggang tatlong negative tests taken two days apart each," ani Garin.

Nasa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na rin ngayon ang 11.

Sa higit 200 nakasabay sa flight pabalik ng bansa, 92 na ang natunton ng DOH at pumayag ang lahat ng ito na sumailalim sa pagsusuri. 

Nananawagan ang DOH sa mga pasahero na tumawag sa DOH 711-1001 o 711-1002. Sakaling makaramdaman ng sintomas, iminungkahing magtungo sa government hospitals para sa agarang aksyon.

Sa ngayon, patuloy ang pagtutok sa kondisyon ng buntis na Pinay nurse na nag-positibo sa virus. 

Samantala nililinaw naman ni San Pedro Mayor Lourdes Cataquiz na walang dahilan para mag-panic ang mga residente ng San Vicente kung saan nakatira ang Pinay nurse.

Panawagan ni Cataquiz: "huwag pong matakot, huwag magkalat ng maling balita na hahantong lalo sa takot at panic." 

Ito'y matapos makita ang ilang residente na nagsuot ng face mask at napaulat na umano'y pagsasara ng San Vicente Elementary School.

Mahigpit umano ang pagbabantay ng city health office ngayong nasa loob pa ng 14 araw na observation period. Bukod pa ito sa isinagawang disinfection sa ospital na pinagsuguran sa Pinay nurse.

Tiniyak naman ng DOH na hindi ito nagpapabaya sa pagtugon at pagtutok sa pagpasok ng MERS-CoV sa bansa. With report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38


Source: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/11_nakasalamuha_ng_Pinay_nurse%2C_nakitaan_ng_sintomas_ng_MERS-CoV.html

Document Actions
  • Powered by Digital Information Systems and Technologies