Personal tools
You are here: Home IDP Higit 180 Pilipinong binigyan ng amnesty ng Saudi, nakauwi na
IDP

a

Higit 180 Pilipinong binigyan ng amnesty ng Saudi, nakauwi na

ABS-CBN News Posted at May 18 2017 02:45 PM | Updated as of May 18 2017 02:48 PM MANILA - Nakauwi na sa Pilipinas Huwebes ang 182 Pilipino nabigyan ng amnestiya sa Saudi Arabia.

null

 

 

Dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa 2 batch: 35 ang naunang dumating bandang alas-7 ng umaga habang 147 ang dumating dakong alas-10 ng umaga. 

Kabilang sa grupo ang 18 sanggol at bata.

Karamihan sa mga umuwi ay nagtrabaho sa Saudi kahit walang iqama o work permit. Ilan naman sa kanila ay tumakas lamang dahil sa pagmamalupit umano ng kanilang amo.
 
Sinalubong sila nina Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Hans Leo Cacdac at iba pang opisyal.

Nakatanggap ng tig-P5,000 ang mga Pilipino habang binigyan ng karagdagang P5,000 ang mga may kasamang bata. 

Tiniyak naman ng OWWA na tutulungan ng gobyerno ang mga balik-bansang Pilipino na makahanap ng trabaho sa Pilipinas o sa ibang bansa. 

Maaari rin silang kumuha ng P10,000 hanggang P20,000 livelihood package imbes na ayuda sa paghahanap ng trabaho. 

--May mga ulat nina Zhander Cayabyab at Zen Hernandez, DZMM

http://news.abs-cbn.com/news/05/18/17/higit-180-pilipinong-binigyan-ng-amnesty-ng-saudi-nakauwi-na

Document Actions
  • Powered by Digital Information Systems and Technologies