Personal tools
You are here: Home HIV 22 NAHAHAWA NG AIDS KADA ARAW, HINDI BIRO! -- SOLON
HIV FACTS

aids

22 NAHAHAWA NG AIDS KADA ARAW, HINDI BIRO! -- SOLON

— filed under:

By Bernard Taguinod | Posted on 8 hours ago

Bakit ba hindi maawat ang mabilis na pagdami ng Human Immunodefeciency Virus (HIV) na naghahatid ng sakit na Acquired Immuno Deficiency Syndrome (AIDS) sa bansa?

Ito ang tutuklasin sa isasagawang imbes­tigasyon na ipinatawag ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing, vice chairperson of the House Committee on Women and Gender Equality sa pamamagitan ng House Resolution 2294.

Ayon sa mambabatas, hindi na biro ang 22-katao na nabibiktima o nahahawaan ng HIV araw-araw bansa kaya dapat na aniyang bigyan ng pansin ito ng national government bago pa man maging epidemya.

Tutulong aniya ang Kongreso sa pagtuklas ng mga dahilan kung bakit hindi maawat ang pagda­ting ng HIV victim sa bansa sa kabila ng katotohanan na alam ng mga tao na walang gamot ang sakit na ito.

Noong 2010 aniya, inilabas ng University of the Philippines Population Institute (UPPI) ang kanilang ‘Lifestyle and Reproductive Health Issues of Young Professionals in Metro Manila and Metro Cebu’ study kung saan ipinapakita rito na ang mga biktima ng HIV/AIDS ay mga batang propesyunal na hindi bababa sa 35-anyos ang edad at mga ito ay nagtatrabaho bilang call center at non-call centers.

“Five years after the publication of a study conducted by on the health status of young professionals working at call centers and non call centers, there is still a continuous rise in the number of reported HIV and AIDS cases, as reported by the Department of Health Philippine HIV/AIDS Registry,” ani Suansing.

Patunay aniya rito, ang rekord na inilabas ng Department of Health (DOH) na mula Enero hanggang Hunyo 2015 ay tumaas sa 53.6% biktima ng HIV sa 25-24 age group o 2,106 mula sa 3,929 na biktima loob ng anim na buwan.

Nangangahulugan ito na 22 na ang bilang ng mga biktima araw-araw mula sa dating isang biktima lamang noong 2008 kaya lubhang nakakabahala umano ito dahil mga ‘young professionals’ ang  mga panguhaning target na sakit na ito.

Source: http://www.abante.com.ph

Document Actions
  • Powered by Digital Information Systems and Technologies