Skip to content. | Skip to navigation

Personal tools
You are here: Home FIRE 2 sunog sumiklab sa Kamaynilaan
Fire Safety

Fire

2 sunog sumiklab sa Kamaynilaan

MAYNILA - Dalawang magkahiwalay na sunog ang sumiklab sa Kamaynilaan Martes ng gabi. Sa Valenzuela City, nasunog ang isang gusali na pagawaan ng mga handicraft na pang-export. Tinatayang nasa P3 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog.

MAYNILA - Dalawang magkahiwalay na sunog ang sumiklab sa Kamaynilaan Martes ng gabi.Sa Valenzuela City, nasunog ang isang gusali na pagawaan ng mga handicraft na pang-export.Tinatayang nasa P3 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog.

 

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag na siyang working area.Posible umanong kahoy na idinarang ng isang trabahador sa apoy na napabayaan kaya nagkasunog.

 

Nasunog din ang isang patahian sa unang palapag. Nasa 24 katao ang apektado ng sunog.Samantala, nasunog naman ang ilang bahay sa Pasig City.Ayon kay Supt. Douglas Guiyab, fire marshal ng Pasig City, posibleng napabayaang kandila ang sanhi ng sunog.

 

Wala namang nasaktan sa insidente. Tinatayang nasa P400,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian. 

 

Sources:ABS-CBN NEWS

Document Actions
  • Powered by Digital Information Systems and Technologies