Skip to content. | Skip to navigation

Personal tools
You are here: Home EARTHQUAKE UPDATES Magnitude 6.0 na lindol, yumanig sa bahagi ng Luzon
EARTHQUAKE WATCH

 

Magnitude 6.0 na lindol, yumanig sa bahagi ng Luzon

By dzmm.com.ph | 04:08 AM 01/11/2015

lindol

PHOTO: Lokasyon ng lindol/Phivolcs website

(UPDATED 8:30 AM) Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang San Antonio, Zambales na naramdaman sa ilang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila, alas-3:31 Linggo ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 43 kilometro (km) timog-kanluran ng bayan ng San Antonio.

Tectonic ang origin nito na may lalim na 85 km.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Pasig, Pasay, Maynila, Quezon City, Makati City, San Mateo sa Rizal, at Hagonoy at Obando sa Bulacan.

Intensity 3 naman sa Tagaytay City at San Miguel, Tarlac habang Intensity 2 ang naramdaman sa Baguio City at Batangas City.

Wala namang inaasahang pinsala.

Pero ayon kay Jun Bonita ng Phivolcs sa panayam ng DZMM, asahan pa ang mga aftershock kasunod ng lindol.

Alas-5:08 ng madaling araw, naitala nga ang aftershock na magnitude 2.3 sa layong 20 km timog-kanluran ng San Antonio.
Description: EPICENTRAL MAP

lindol1

Bagama't bahagyang mas malapit ito sa kalupaan, hindi na ito naramdaman dahil bukod sa mahina ay may lalim na 30 km.

With reports from Zandro Ochona, Radyo Patrol and Dexter Ganibe, Radyo Patrol 45

 

source: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Magnitude_6.0_na_lindol,_yumanig_sa_bahagi_ng_Luzon.html

 

Document Actions
  • Powered by Digital Information Systems and Technologies