Skip to content. | Skip to navigation

Personal tools
You are here: Home EARTHQUAKE UPDATES Baguio, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
EARTHQUAKE WATCH

 

Baguio, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

08:15 AM 02/24/2015 Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Baguio CIty ngayong Martes ng umaga.

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Baguio CIty ngayong Martes ng umaga.

Sa panayam ng DZMM kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, alas-7:14 ng umaga anya nang tumama ang lindol sa layong 13 kilometro timog-silangan ng mismong lungsod. 

Nasa lalim lamang na 13 kilometro ang sentro ng tectonic na lindol.

Nadama ang intensity 4 na pagyanig sa Baguio City at La Trinidad, Benguet habang intensity 3 naman sa Itogon, Benguet. 

Intensity 2 ang nairekord sa Dagupan City habang intensity 1 naman sa Palayan City

"'Yung intensity 4, hindi naman damaging 'yun," garantiya ni Solidum. 

Nadaanan ng ABS-CBN News ang isang unibersidad at Baguio City National High School, kung saan agad namang naglabasan ang mga estudyante sa mga gusali at nagtungo sa open grounds.

Wala namang inaasahang aftershocks ang Phivolcs. With report from Armenio Supang, DZMM Correspondent


Source: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region/Baguio%2C_niyanig_ng_magnitude_4.1_na_lindol_.html

Document Actions
  • Powered by Digital Information Systems and Technologies